AYUDA NA P10,000.00 ISINUSULONG NI SEN. ALLAN CAYETANO AT SEN BONG GO!
- Get link
- X
- Other Apps
MANILA, Philippines — Sinuportahan kaha-pon ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go kasama ang mga Local Government Units (LGUs) ang ‘P10K Ayuda Bill’ na isinusulong ni Taguig – Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at ng mga kaalyado nito sa Kamara para sa mahihirap na pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic.
Ang House Bill (HB) 8597 o ang Bangon Pamilyang Pilipino Assistance Program ay mas kilala rin bilang ‘P10K Ayuda Bill’. Nilalayon ng nasabing panukalang batas na bigyan ng tig P10,000 ayuda ang bawat mahihirap na pamilyang Pilipino na dumaranas ng matinding kalbaryo dulot ng pandemya.
Sa kasalukuyan, hindi pa tinatalakay ng House Committee on Social Services sa Kamara ang panukalang batas na inihain noong Pebrero 1 ng taong ito.
Ayon kay Cayetano sa pahayag na binitiwan ni Go, hiniling nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng karagdagang ayuda sa mga mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng Social Amelioration Program.
“Sana makiramdam ang Congress and we convert into a Committee on the Whole or in any way that we can, kung kaila-ngang humingi ng special session, para ipasa ‘to. Ginawa natin n’ung Bayanihan 1 ‘yan, ginawa natin n’ung Bayanihan 2, there’s no reason why we can’t do it again,” ani Cayetano.
Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Cayetano si Go sa pagsuporta sa HB 8597 na inihain nila ng kaniyang misis na si 2nd District Taguig Rep. Lani Cayetano at mga kasamahan nitong mambabatas sa ilalim ng grupong Back To Service (BTS) sa Kongreso.
Samantalang maging ang Local Government Units (LGUs) ng Tarlac City ay sumuporta rin sa P10K Ayuda Bill ng grupo ni Cayetano sa pamamagitan ng isang resolusyon na nilagdaan ni Vice Mayor Genero Mendoza, 12 Sangguni-an members.
Gayundin maging ang Sanggunian ng Bohol ay umapela rin na ipasa na ang P10K Ayuda Bill base naman sa resolusyon na pinirmahan ni Vice Mayor Alexis Fernan Simeon at 10 Sanggunian member.
Samantalang ang naturang mga resolusyon ay dadalhin sa dalawang Kapulungan ng Kongreso para hikayatin ang mga mambabatas na isabatas ang pagbibigay ng dagdag na ayuda sa ilalim ng naturang panukala
- Get link
- X
- Other Apps
Comments
sana po..
ReplyDeleteSana poh totoo poh yn Sana matulongan din poh ninyo ako 09516437877 Sana poh matulongan poh ninyo kami
ReplyDeletemalaking bagay po iyan saaming mahihirap..lalo na sa mga solo parent na nawalan ng trabaho.at salaht ng nangangailngan gawa ng biglaang pagtaas ng covid
ReplyDeleteSingle mom po aq sana po masama oo aq s maabutan ng tulong
ReplyDelete